NAGA CITY- Kinondena ng Naga City Solid Waste Management Office ang death penalty para sa mga lalabag sa improper waste disposal and segregation na ipinasa ng isang barangay sa Abra.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, bilang head ng SWMO sa Naga, mariin niyang kinontra na hindi naman makatao ang ganitong parusa. Maaaring sa sobrang inis at kawalan ng pasensya dahil na rin sa paulit-ulit na pagsasaway kaya nakapabigay ng ganitong ordinansa ang Barangay Bangued sa Abra ngunit para kay Martin, mas mainam at epektibo pa rin ang pagbibigay ng penalidad bilang parusa sa mga violators at patuloy na pagdidisiplina sa publiko kaysa sa ano pa mang paraan.
Kinondena na rin ito ng Commission on Human Rights at sinabing hindi naman kailangang dumating sa punto na dapat pang kumitil ng buhay dahil lang sa hindi pagsunod sa tamang pagtatapon ng basura. Sa lungsod ng Naga, kinumpirma ni Martin na marami pa ring lumalabag sa improper waste disposal and segregation ngunit karamihan sa mga ito, galing sa karatig bayan na dumarayo pa sa lungsod.