Death penalty muling binuhay sa Kongreso

Muling binuhay ni Representative Rufus Rodriguez ang parusang death penalty sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagbitay sa dalawang Pilipino sa China dahil sa kasong drug-trafficking noong November 24, 2023.

Hiling ni Rodriguez sa Kongreso na ipasa ang House Bill 2459 (Act adopting the higher prescribed penalty, including death, of the national law of an alien found guilty of trafficking dangerous drugs and other similar substances, amending for the purpose republic act no. 9165) na naglalayong bigyan ng mas matinding parusa kasama na ang kamatayan ang mga dayuhang mapapatunayang sangkot sa drug trafficking.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa datos ng Bureau of Corrections sa 369 na mga dayuhan nasa piitan sa bansa 205 dito ay mga Tsino.

Sinabi naman ni Rep. Robert Ace Barbers kailangan na ring ipasa ang House Bill 1543 (An act re-imposing the death penalty on certain heinous crimes, repealing for the purpose republic act no. 9346, and for other purposes) na nagbabalik ng parusang kamatayan para sa karumaldumal na krimen.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Matagal na aniya itong isinusulong at hindi bilang paghihiganti sa pagbitay ng China sa dalawang Pilipino.

Dagdag pa niya masiyadong maluwag ang Pilipinas kaya maraming mga Chinese ang naglalakas loob na magpasok ng illegal na droga sa bansa.

Sa tingin naman ni Barbers walang kinalaman ang girian ng Pilipinas at China sa West Philippine dahil matagal ng nagpapatupad ng death penalty ang China.

Payo niya sa mga Pilipino maging mapanuri upang hindi mabiktima ng mga sindikado sa abroad.