Death and Medical Assistance Program Ordinance para sa Barangay Officials and workers inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa regular na sesyon nitong Lunes, March 20 ang ordinansang magkakaloob ng death and medical assistance sa mga opisyal at mangagawa ng Barangay na masasawi o kaya ay magkakaroon ng major injury habang tinutupad  ang kanilang tungkulin.

Batay sa panukalang ordinansa na iniakda ni Councilor Franz Inah Arana- Macale tatanggap ng P10,000.00 ang opisyal o mangagawa ng Barangay na masasawi habang nasa official function at P5.000.00 naman kapag na- injured.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Saklaw nito ang mga elected at appointed Barangay Officials kasama ang ex- officio member at Sangguniang Kabataan  Kagawad.

Kasama rin dito pero hindi limitado sa Barangay Secretary, Barangay Health, Workers, Barangay Nutrition Scholars, Lupong Tagapamayapa, Barangay Tanod, Child at Development Workers.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa ilalim ng panukalang ordinansa ay maglalaan ang munisipyo ng halagang P100.000 sa Annual Budget.

Anumang halaga na hindi magamit sa loob ng taon ay ibabalik sa General Fund.

Sa sandaling hindi sapat ang halaga ay isasama ang supplemental appropriations sa mga susunod na annual o supplemental budget.