Deadline ng franchise consolidation para sa PUVMP – patapos na!

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na mabibigyan pa ng sapat na panahon ang mga PUV operators, matapos ang deadline para sa franchise consolidation ngayong araw.

Ayon kay DOTr Usec. Andy Ortega – ‘di basta basta mare-revoke ang kanilang mga prangkisa.

Aniya, aabot pa ng isa hanggang sa dalawang linggo ang proseso para rito.

Bago ito – una nang tiniyak ni Ortega na bibigyan ng ‘due process’ ang mga drivers at operators na ‘di pa rin sumunod sa deadline.

Sabi ng Transportation official, matapos ang ipadadalang show cause order ay pagpapaliwanagin pa sila.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Sa kabila naman ng deadline ngayong araw, kakaunti pa rin umano ang nagpupunta sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mga driver at operator para humabol sa franchise consolidation ng PUV Modernization Program ng gobyerno.

Ayon sa LTFRB, patuloy naman silang nakaantabay kung sakaling may mga hahabol pa sa consolidation.

Mananatiling bukas ang tanggapan ng ahensya hanggang alas diyes ng gabi para bigyan ng pagkakataon ang mga driver at operator na gustong humabol para patuloy na makabyahe.

Matatandaang nanindigan ang mga transport agencies na wala nang extension at tuloy tuloy na ang pagpapatupad ng programa.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Bukas, May 1, sisimulan na ng LTFRB ang paninita sa mga unconsolidated jeepney.

Nanindigan naman si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na wala nang extension ang deadline ng franchise consolidation para sa PUV Modernization program.

Ayon kay Guadiz, huling hirit na ito at ‘yung mga nangangarap pa ng extension ay meron na lang ilang oras para makapag-consolidate.

Dagdag pa ni Guadiz, may mga humahabol pang jeepney operator para mag-consolidate.

Aniya, sa buong bansa, higit 158,000 na ang consolidated PUVs.
#