David Licauco, handang makatrabaho si Kathryn Bernardo

Trending ngayong ang litrato ng aktor na si David Licauco, kasama ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Kinilig kasi ang kani-kanilang mga supporters at sinabing “pwede” at “bagay pala ang dalawa!”

Read More:  16 new housemates enter ‘Pinoy Big Brother: Collab 3.0’

Saad ni David, tuwang tuwa siyang makita si Kathryn sa personal dahil fan siya nito simula pa noong Kathniel era.

Read More:  Baby Dolls’ Juby Sabino draws backlash from Donny Pangilinan fans over intimate dream remarks

Dagdag pa nito, hindi raw siya mag-aatubiling tanggapin ang isang proyektong kasama si Kathryn kung sakaling may mag-offer.

Matagal nang vocal si David na gusto niyang makatrabaho ang tambalang Kathniel.