NAGA CITY- “Welcome Home Leila”, ito ang pagbati sa streamer malapit sa bahay ni dating Senador Leila De Lima sa San Agustin Iriga City.
Sumalubong sa kaniya ang banda sa pagdating nito sa tahanan kagabi Nov. 15, 2023. Emosyonal halos ang ilang mga kaanak nang masilayan na ang dating Senador. Nag abang din ang ilang mga supporters sa gitna ng masungit na panahon kahapon at kagabi.
Maagang Christmas gift daw itong maituturing ayon sa pamilya, hindi na lamang ang cardboard standee ang makakasama sa holiday season matapos ang halos pitong taon na pagkakabilango. 2019 nang huling makadalaw sa inang may sakit.
Sinabi naman ni dating Justice Secretary Atty. De Lima , patuloy siyang lalaban para sa demokrasya, karapatang pantao, pang-aabuso sa poder, at kurapasyon.
Si De Lima pansamantalang makakalaya matapos na pagbigyan ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na makapaglagak ng piyansa sa umano’y pagkakasanggot sa illegal drugs.