Dating Pulis, Arestado sa Buy bust operation sa Cotabato City!

ARESTADO ang isa umanong dating myembro ng PNP sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad kaninang alas 9:30 ng umaga sa lungsod.

Kinilala ni Police Station 3 Deputy Chief, Police Lieutenant Joel Albao ang suspek na si Julkhayr C. Mantil, nasa tamang edad at residente ng Barangay Tamontaka 1 at dating myembro ng PNP Region-12.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nabilhan ng mga otoridad ang suspek ng isang pakete ng suspected shabu at sa pag-rikisa sa kanya ay tumambad pa ang dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu sa kanyang bulsa.

Kasama ding Nabawi sa suspek ang ilang ID, Cellphone, at Cash na 1 thousand pesos.Nakakulong na ngayon sa lock up cell ng City PNP Station 3 si Mantil at inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dagdag ni Lieutenant Albao, mahigit dalawang linggo din nilang minamanmanan ang kilos ng suspek base na rin sa mga pahayag ng mga nauna nilang nadakip sa mga naunang operasyon na kanilang naisagawa.