Dating Pangulong Duterte, natanggap na ang imbitasyon ng House Quad Committee – PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na natanggap na ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng House Quad Committee.

Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, ang kinatawan ng dating pangulo ang tumanggap ng imbitasyon sa bahay mismo ni Duterte.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Maliban sa pisikal na liham, may ipinadala ring email para dumalo ito sa pagdinig.

Read More:  Cayetano seeks Senate approval for Estrada, Marcoleta trial participation

Nakatakda ang pagdinig ng House Quad bukas ukol sa ‘di umano’y Extra Judicial Killings ng nakaraang administrasyon.

Nauna nang sinabi ni Duterte na handa siyang dumalo sa mga Quad Committee hearing.