Dating NPA na kumuha ng Police Clearance, arestado

Arestado ang umano’y dating kasapi ng rebeldeng grupong NPA matapos nitong subukang kumuha ng police clearance sa Gubat MPS.

Kinilala itong si alias ‘Arnel’ na umano’y miyembro ng L1, KP3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Sa ulat, pumunta sa himpilan ng Pulisya si alias Arnel at kumuha ng police clearance, subalit nang malaman ng mga awtoridad na mayroon itong mga pending warrant of arrest ay agad na dinakip ito.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nabatid na si alias Arnel ay may mga warrant of arrest sa kasong murder na inilabas noong Setyembre 21, 2023; kasong attempted murder at frustrated murder na inilabas noong Setyembre 22, 2023 at alias warrant of arrest sa kasong murder  na inilabas noong Setyembre 4, 2018.

May inilabas din na warrant of arrest ang MCTC Br 4 noong Pebrero 9, 2022 sa kasong discharge of firearm.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Matatandaan na ang police clearance ay puwede nang makuha sa mga itinalagang MPS bilang bagong sistema at bahagi ng digital transformation ng PNP.

Ang pagkadarakip sa akusado ay patunay lamang na ang National Police Clearance System ay isang matibay na kasangkapan ng PNP para sa mabilis na pagpapairal ng batas.