Dating NEDA chief Pernia pinayuhan si PBBM na bawasan ang mga foreign trips

Pinayuhan ni dating National Economic and Development Authority (NEDA) secretary Ernesto Pernia si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na bawas-bawasan ang mga biyahe nito sa labas ng bansa.

Paliwanag ni Pernia tila nagsasayang lang umano ng pera ng bayan si Marcos sa mga foreign trips nito.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Dagdag pa ng dating NEDA chief meron naman itong mga gabinete para utusan ang kung may mga kailangan asikasuhin sa labas ng bansa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Binigyan-diin ni Pernia na ang mga investment pledges na nai-uuwi ni Marcos ay hindi naman lahat magkakatotoo.

Karamihan sa mga ito ayon sa dating kalihim ay bahagi lang ng pagpapakita ng hospitality ng host nation subalit hindi naman natutupad.