Dating barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Lobo, Batangas

Patay ang isang dating barangay kagawad matapos na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek na nagkunwaring bibili ng uling sa kanilang bahay sa Brgy. Mabilog na Bundok, Lobo, Batangas.

Kinilala ng Lobo Municipal Police Station ang biktima na si Rogelio Lontoc, 61-anyos, at residente ng naturang lugar.

Sinabi sa Brigada News FM Batangas ni PMaj. Roy Cuevas, hepe ng Lobo MPS, pasado alas-singko ng hapon kahapon ng nilapitan ang biktima ng suspek at nagtanong ng ibinebenta nitong uling.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang suspek at ipinutok ng ilang beses sa biktima dahilan para tamaan ito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad na naglakad papalayo ang suspek matapos ang pamamaril.

Dinala sa Lobo District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng kalibre 45 na armas at dalawang deformed slugs.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Major Cuevas, iniimbestigahan nila ngayon ang anggulong may koneksyon sa nangyaring pagpatay noon sa kapatid ng biktima ang insidente.

Taong Agosto 2020 nang binaril umano ang kapatid ng biktima at siya ang nagsilbing testigo laban sa naarestong gunman.

Dagdag pa ni Cuevas na inilunsad na ang hot pursuit operation laban sa suspek at nagpatupad na ng lockdown sa kanilang boundary areas sa bahagi ng Brgy. Balabat at Brgy. Banalo.