KINAGIGILIWAN ngayon ng mga netizens online ang isang rescue dog mula sa U.S dahil sa kakaibang itsura ng kanyang mukha na nagbibigay ng aliw sa mga taong nakakakita sakanya.
Viral sa social media app na Tiktok ang mga videos ni Belle – ang Doberman dog na nagtataglay ng mukhang tila palaging gulat na gulat.
Batay sa ulat, ang hindi pangkaraniwang facial expression ng asong si Belle ay bunsod ng kanyang “birth defect” kung saan ay naka stretched umano ang muscles sakanyang likod kung kaya parati itong gulat o nabibigla kapag tiningnan.
Ayon naman kay Lieschen O’Connor, ang fur parent ng nasabing aso, inampon niya si Belle noon pang 2017 mula sa isang animal facility.
Dahil sa kakaibang itsura ng aso, marami ang natutuwa sakanyang mga larawan at videos kung kaya’t sa kasalukuyan ay umaabot na sa 160,000 ang kanyang followers sa TikTok.### JDR, BNFM BICOL