Inihayag ni Presidential Acting Spokeperson Martin Andanar na dapat maging consistent ang transparency at accountability sa gobyerno.
Ayon kay Andanar, panibagong yugto ang kakaharapin ng Pilipinas kasunod ng pagtatapos ng termino ng kasalukuyang administrasyon.

Hiling niya na magpatuloy ang demokrasya sa bansa kung saan sinabi niya na ang kanilang pakikipag-partner sa media ay best initiative umano ng kanilang opisina.
Samantala, hindi pa naman isinasapubliko ni President Rodrigo Duterte ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) simula 2019. (ARGIE ERGINA)