Covid-19 hospitalization rate, tumaas sa ilang lugar – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na tumaas ang Covid-19 hospitalization rate sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga ito ay ilang lugar sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Northern Mindanao.

Aniya, ilan sa mga factors nito ay ang pagbaba ng bilang ng Covid beds at naibang resulta simula ng pumasok sa ospital ang isang pasyente na mild at asymptomatic lang umano na kalauna’y nag-positibo.

Samantala, base sa datos ng DOH nitong linggo, nasa 554 ang severe at critical cases na na-admit sa ospital dahil sa naturang sakit. (ARGIE ERGINA)