Dapat ituloy ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon sa Covid-19 – PHAPi

Iginiit ng Private Hospitals Association Philippines (PHAPi) sa publiko na ituloy ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon sa Covid-19.

Ayon kay PHAPi president Dr. Jose De Grano, wala siyang nakikitang problema sa pagsusuot ng face mask kung saan nakakatulong umano itong makaiwas sa banta ng naturang sakit.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sinabi ni De Grano na bukod sa nasabing pandemya ay pwede umanong ilayo ang tao na matamaan ng anumang sakit kung magsusuot ito ng face mask.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Samantala, sinang-ayunan naman niya ang desisyon ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa Alert Level 1 simula June 16 hanggang June 30. (ARGIE ERGINA)