Dalawang Remulla sa Gabinete? – SILG Jonvic, dumipensa

Tiniyak ni bagong Interior Sec. Jonvic Remulla na magta-trabaho ito nang maayos.

Dinepensahan niya ang mga bumabatikos sa pagkakaroon ng dalawang Remulla sa Gabinete, kasama ang kaniyang kapatid na si Justice Sec. Boying.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Aniya, hindi naman daw ito usapin ng pagiging magkapamilya nila, kun’di, usapin ng competency, at kakayahan nilang makapaglingkod.

Nang matanong naman kung ano ang kaniyang magiging programa, sinabi nitong isa sa uunahin nilang ipasasara ay ang POGO hub sa kaniyang area of responsibility noon sa Island Cove sa Cavite.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Muli naman niyang nilinaw na hindi ito sa kanila.