BNFM Bicol- IPINAGKALOOB ni First Lady Louise Araneta-Marcos sa dalawang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang dalawang cheke na may halagang P450,000 sa dinaluhan nitong LAB FOR ALL Caravan sa lalawigan ng Sorsogon.
Nakalaan para sa Sto. Niño Rice Retailers SLPA at Rice & Fields Sta. Cruz SLP Association ang nabanggit na mga cheke na ibinigay sa mga nabanggit na samahan sa araw ng paglulunsad ng programa ng DOH sa rehiyon.
Gagamitin ang natanggap na ayuda sa pagtataguyod ng livelihood projects ng ahensya at pagpapalakas ng economic stability ng mga benepisyaryo nito. ### Nico Merciales, Intern
Photo from DSWD Bicol