Dalawang bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala na naman ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes sa Camarines Norte.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ang bagong nagkaroon ng COVID- 19 ay isang 19 anyos na babae mula sa barangay 2.

Ang pasyente ay may local code na Bicol No 65799  na unang nakaramdam ng sintomas noong November 28.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

December 3 nang magpakonsulta ito sa doktor  at lumabas na positive sa RT- PCR test noong December 7.

Wala itong travel history at hindi rin batid kung paano ito nahawa ng sakit.

Ang isa pang tinamaan ng COVID ay si Bicol No 65811, isang 16 anyos na babae mula naman sa Barangay Del Rosario.

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong December 4 at noong December 7 ay nagpositibo ito sa RT- PCR test.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Dahil dito dalawa uli ang aktibong kaso ng sakit sa naturang bayan.

Mula noong 2020 ay nakapagtala ang naturang bayan ng kabuuang 206 na kaso at 22 naman ang nasawi.

Nakapagtala naman ng isang bagong recovery kahapon kaya umaabot na sa 182 ang gumaling.