Dalawa katao sa Camarines Norte na nagpakita ng sintomas ng rabies patay

CAMARINES NORTE – Patay ang dalawa katao na nagpakita ng sintomas ng rabies ayon sa Provincial Health Office ng Camarines Norte.

Nagmula ang “suspected” rabies cases sa Jose Panganiban at San Lorenzo Ruiz

Paliwanag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, suspected ang dalawang ito dahil walang confirmatory test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) pero nagpakita ang mga ito ng mga sintomas ng rabies.

Batay sa datos ng PHO, tumaas pa lalo ang kaso ng  animal bite sa lalawigan na umabot sa 16, 234 noong 2023 na pinakamataas sa nakalipas na apat na taon.

Noong 2022 nakapagtala ang lalawigan ng nasa 11, 609 animal bite cases na mas mataas din sa 9, 941 noong 2021 at sa 6, 392 noong 2020.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Pinakamarami noong 2023 ang nakagat ng pet animal na nasa 65 % habang 35 % naman ay stray animal.

Kaya naman paalala ni Dr. Francisco na huwag balewalain ang kagat ng hayop tulad ng aso.

Kung nakagat ay dapat umanong mapagpabakuna sa loob ng 72 hours. Maaring magpabakuna sa Animal Bite Treatment Center ng CNPH, Labo District Hospital at sa Rural Health Unit ng Sta Elena.

Ngayong Marso ay Rabies Awareness Month kaya tuloy- tuloy aniya ang awareness campaign ng PHO kontra rabies at responsible pet ownership hanggang sa mga komunidad.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Muli ring umapela si Francisco sa mga LGU na rebisahin ang kanilang ordinansa at magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga iresponsableng nag- aalaga ng hayop.

Ang Rabies ay isang mapanganib na sakit na nakakahawa at nakakamatay. Ito ay sanhi ng mikrobyong nakukuha sa laway ng hayop na may rabies tulad ng aso, pusa, unggoy at iba pa.

Nalilipat ito sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop na may rabies.

Ang mga sintmomas ng taong tinamaan ng rabies ay lagnat, pananakit ng ulo at nagsusuka, hindi makakain at takot sa tubig at hangin, nanlilisik ang mga mata, nagiging wild at nawawla sa tamang kaisipan, natutulala, nanakit at nagwawala.