Dalaga tumangging makipagtalik sa ka meet up, sinaksak

Sinaksak ang isang 19-anyos na dalaga matapos tumanggi umanong makigpagtalik sa ka meet up nito sa Barangay San Jose, Malaybalay, Bukidnon.

Napagalaman na nakipagkita ang biktima sa lalaking nakilala nito sa social media at pinasakay sa motor.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

Laking gulat na lamang umano ng biktima nang dalahin ito sa damuhan at doon na pinilit makipagtalik ngunit tumanggi ito kaya pinagsasaksak kaya nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Nakahingi ang biktima ng saklolo kaya dinala ito sa ospital habang naiwan naman ang motor ng suspek na mabilis tumakas.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek.