Bumaba sa 12 ang average daily COVID-19 deaths sa bansa, as of Nov. 21, o halos one-third sa bilang mula noong nakaraang buwan.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, na ang average ay kinompute sa loob ng mahigit seven-day period at bumaba mula sa 38 na naitala noong Oct. 21.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), lumalabas na kabuoang 64,524 katao sa buong bansa ang pumanaw dahil sa viral disease simula noong 2020.
Sinabi ni David, na 65% ng naturang bilang ay nasawi noong 2021, na 20% ngayong taon.
Nagbabala naman nito kaugnay sa pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, pero nilinaw naman nito na ang naobserbahang increase sa mga kaso ay hindi pa nakababahala.
