Nagtala ang Pilipinas ng mataas na budget deficit noong Oktubre dahil sa maraming spending.
Ayon sa isang ekonomista, ang mataas na spending ay maaring dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya, kumpara sa mga lockdowns noong mga nakaraang taon na lockdowns.
Sa isang pahayag, sinabi ng BTr na ang budget deficit ay pumalo na sa P99.1 billion, o 54.08% na mataas kumpara sa year-on-year na P64.3 billion.
Dagdag ng ahensya, na ang budget deficit noong Oktubre ay dahil sa pagbilis ng government spending na 22.23% versus sa 14.4% revenue growth.
Samantala, naitala naman ang revenue collection sa P288.9 billion, na mataas sa 14.14%, dahilan para makalikom ang Bureau of Internal Revenue ng P186.8 billion, at ang Bureau of Customs ay nakakolekta ng P75.1 billion.
