Dahil sa pagod, gutom at takot, mag-asawang NPA sumurender

SORSOGON CITY – Hindi na matiis ng mag-asawang rebelde ang buhay sa bundok dahilan upang sila ay sumurender na sa pamahalaan.

Kamakailan ay boluntaryong sumuender sa pamunuan ng 31st Infantry Battalion ang mag-asawang sina Simeon Salomon Gracilla alias Ka Jaime/Gracilla/Rolly, 60-anyos at Nelia Apable Gracilla alias Tess, 58-anyos parehong residente ng Brgy Recto sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kasamang ibinaba ng mga ito ang kanilang armas na isang kalibre 45 at kalibre 9mm na baril.

Ayon sa salaysay ng mag-asawa, pagod na umano sila sa katatago sa kabundukan, kung saan madalas silang inaabutan ng lamig, init, gutom at takot na makaengkwentro ang mga sundalo, maliban pa umano sa dahilang wala silang nakukuhang pakinabang sa extortion na kanilang ginagawa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Malugod naman tinanggap ng commander ng 31st Infantry Battalion na si Ltc. Eric Culvera ang mag-asawang rebelde.

Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumentos sa pagkakaloob ng government assistance program for returnees na E-CLIP o ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program.