Dahil sa hirap ng buhay,pulisya,nagbabala sa pagdami ng mga magnanakaw

Nagbabala ang pulisya sa pagdami ng mga indibidwal o grupo na gagawa ng panlalamang, panloloko o pagnanakaw.

Ito ay hanggat pahirap ng pahirap ang buhay dahil sa dinaranas na krisis ngayon ng bansa dahil sa pandemya at pagtaas ng presyo halos lahat ng mga bilihin.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Olongapo Station 5 Deputy Commander Plt.Eduardo De Leon,maliban sa may ginagawang pagbabantay ang mga otoridad ay dapat na maging maingat ang publiko laban sa lahat ng uri ng krimen gaya ng mga ito.

Matatandaan, Huwebes ng hapon nang lapitan at hablutin ng snatcher ang kwintas ng isang dalagita sa Bgy.Sta Rita, Olongapo at dahil sa pangayayari ay nagkaroon ng takot na lumabas ng bahay ang biktima

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Bukod pa dito, sunod-sunod din ang nangyaring pananalisi sa mga tindera sa lumang palengke ng lungsod na ang pinaniniwalaang mga suspek ay miyembro ng isang grupo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO