Dahil sa bagyong Mawar, pasok sa Macabebe kanselado ngayong araw

Kinansela na ng pamahalaang lokal ng Macabebe ang pasok ngayong araw sa kanilang bayan.

Dahil ito sa naka ambang bagyo na may international name na Mawar.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Sa memorandum na pirmado ni mayor Leonardo Flores, nakasaad na kabilang sa mga walang pasok ang lahat ng government offices, gayundin sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan.

Ito raw ay para makapag handa ang mga residente ng Macabebe sa paparating na bagyo.

Read More:  PNP officer shoots fellow police, civilian in Cavite; 2 dead

Ayon sa PAGASA posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw.