Dagsa ng pasahero sa Bicol Central Station Naga City ngayong peak season, asahan sa susunod na linggo; seguridad ng mga pasahero tiniyak lalo na sa mga kolorum na mga sasakyan

NAGA CITY – Manageable at normal pa sa ngayon ang operasyon ng Bicol Central Station Naga City, ngayong nalalapit na ang peak season o holiday season.

Ito ang napag-alaman kay Roderick Reforsado, Terminal Manager ng BCS.

Aniya, mas inaasahan nila sa susunod na Linggo hanggang sa unang Linggo ng Enero 2024, ang dagsa ng mga pasaherong babalik sa Maynila maging sa ibang lugar. Wala rin naging problema pagdating sa bilang ng bus at biyahe dahil nadagdagan rin.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Maliban pa rito, tiniyak naman ng opisyal ang seguridad ng mga pasahero lalo na sa mga kolorum na mga sasakyan na uso na naman ngayon na isa rin talaga sa mas binabantayan nila. Tuloy din ang pakikipagkomunikasyon sa Public Safety Office, PNP, Land Transportation Office, sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board at iba pang ahensya.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS