Dagdag pondo sa 2024 para sa mga indigent families sa naga city, planong imungkahi ng cswdo; pamilyang konsideradong naghihirap hindi lubos nabibigyan ng suporta

NAGA CITY – Nasa mahigit 11 milyong piso lamang ang pondong inilaan ng City Government ng Naga para sa mga indigent families ngayong taon, kaya hindi lahat ay nabibigyan ng suporta.

Batay ito sa naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Annabelle Vargas, Head ng City Social Welfare and Development Office kaugnay sa pagpatupad nila ng mga programa para sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Limitado lang aniya kasi ang pondong inilaan sa kanilang opisina, kaya hindi lahat ay puwedeng mabigyan ng suporta, at ang mga totoong dumaan sa series of evaluation at personal na assessment ang mabebenipisyuhan.

Kabilang sa mga programang ito ay ang Sanggawadan na may mahigit dalawang libong pamilya ang benipesyaryo.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Paliwanag ni Vargas, ang City Government ang nagtatakda ng budget, na inaaprobahan ng konseho.

May plano silang padagdagan ang pondong ito para tumaas din ang bilang na kanilang matutulungan sa susunod na taon. 

Nilinaw din niya na ang hindi nabibigyan ay kakaunti lamang, na siyang aasikasuhin nilang maisama sa budget sa taong 2024.