2-anyos na bata na naglalakad mag-isa narescue ng tricycle driver sa Naga City

NAGA CITY- Narescue ng isang tricycle driver sa Naga City ang 2-anyos na batang babae matapos na makitang naglalakad ng mag-isa sa kalsada ng Barangay Tinago pasado alas dose ng hating gabi nitong Linggo Aug. 6, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Barangay Kagawad Tessie Moral ng Peace and Order Committee, sinabi nitong dinala sa out post ng driver na si Jose Cantillo ang bata. Kuwento nito nakita niya ang batang babae na walang kasama sa malapit sa isang fast food chain sa Panganiban Drive.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kaagad naman na tumungo ang mga nakaduty na barangay tanod sa lugar kung saan nakuha ang paslit. Habang nasa lugar napag-alaman sa guwardiya na may magulang na naghahanap mula sa residential area malapit sa fast food chain.  Hanggang sa magkakita-kita na sila sa out post.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa imbestigasyon ng mga opisyal ng barangay unang nabatid na bibili ng gatas ang ama pero napag-alaman na nagkaroon ng diskusyon sa pagitan ng mag-asawa sa labas ng bahay, pagbalik sa loob kulang na ang anak. Hindi napansin ng mag-asawa na lumabas din ang bata.

Pangaral ni Punong Barangay Esting Bautista at Kagawad Moral, paigtingin ang pagbabantay lalo na sa mga nasabing edad. Nangako naman ang magulang na hindi na ito mauulit pa.