Dagdag pasahe huwag ipatupad kung walang fare matrix- BCS

NAGA CITY—Kung walang nakapaskil na Fare Matrix para sa bagong taripa sa mga pampublikong sasakyan ay huwag magbayad ng bagong singil sa pamasahe.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Naga City Bicol Central Station Terminal Manager Nonoy Reforsado.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Ito rin naman aniya ang patakaran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na kung walang Fare Matrix ay hindi maaaring maningil ng bagong pamasahe ang mga pampublikong transportasyon gaya ng mga jeep at mga bus. Sa Bus Terminal ng Naga ay pinapaalalahanan ang mga pasahero ukol dito maging ang mga operator at driver ng mga Public Utility Vehicle o PUVs.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani