Bb. Pilipinas Organization proud sa Top 15 finish sa Miss Globe 2022 pageant

Nagtapos sa Top 15 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Globe 2022 pageant na isinagawa sa Opera and Ballet National Theater sa Tirana, Albania.

Sa Instagram post ng Binibining Pilipinas organization nagpaabot ito ng pagbati kay Chelsea Fernandez sa kabila ng kabiguan nitong maiuwi ang korona.

Read More:  Team Ryzza alarmed over threatening messages received by Ryzza Mae Dizon

Pinasalamatan ng organisasyon si Fernandez sa pagrepresenta sa Pilipinas at pinuri din nito ang performance ng pinay beauty sa naturang kompetisyon.

“Thank you for representing the Philippines and for making us all proud. You did very well,” nakasaad sa caption.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Si Philippines’ Maureen Montagne, na nanalo ng titulo noong nakaraang taon, ang naglagay ng korona kay Payano sa natarang coronation night.