Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, asahan sa Martes

Inilabas ang posibleng maging galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa pagtaya ng ilang energy sources, maglalaro sa P0.30 hangang sa P0.50 per liter ang ibaba sa presyo ng diesel at kerosene.

Read More:  Malacañang orders agencies to prepare for Undas travel rush

Asahan naman umento sa presyo ng gasolina na maglalaro sa P0.55 hangang P0.75 per liter.

Una nang sinabi ni Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad na ang mahigpit na supply and demand sa world market ang pangunahing dahilan ng dagdag bawas sa presyo ng krudo.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Naka-apekto din umano dito ang patuloy na pagbawas sa prino-produce na langis ng mga oil producing countries.
#