CAMARINES NORTE- “Tripartite Memorandum of Agreement, mabisang daan para himukin ang mga magsasaka na ipagbili ang kanilang mga ani sa NFA”
Yan ang pahayag ng Provincial Government ng Camarines Norte noong ika-3 ng Abril. Sa ilalim kasi ng programa ngTripartite Memorandum of Agreement, ang nasabing Pamahalaang Panlalawigan ay naglaan ng subsidiya na magdaragdag ng hanggang PhP 5.00 sa bawat kilo ng kasalukuyang NFA Buying Price na 19 na piso.
Sa pamamagitan umano nito ay maitataas ang presyo ng palay hanggang 24 pesos kada kilo na ipagbibili ng mga magsasaka sa NFA at makakatulong rin ito sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng bigas o buffer stock ng NFA.
Matatandaang, noong buwan ng Enero ay nagkaroon ng isang Tripartite Memorandum of Agreement Signing sa pagitan ng National Food Authority, mga Samahan ng mga Magsasaka at Provincial Government ng Camarines Norte upang maisakatuparan ang nasabing programa.
