Daan-Daang residente ng Talisay, nakiisa sa Province-Wide Simultaneous Clean-Up Drive

CAMARINES NORTE – Daan-daang residente ng Barangay San Francisco, San Jose, at San Nicolas sa Talisay, Camarines Norte ang nakiisa sa Province-Wide Simultaneous Clean-Up Drive na pinangunahan ng mga ahensyang DENR-PENRO at PDRRMO-CN ang matagumpay na programa noong Hunyo 28, 2024.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Nagsimula ang paglilinis ng alas-6 ng umaga bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month na may temang “Our Environment. Our Future” na naglalayong itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng kalinisan at konserbasyon ng kalikasan.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Hinihikayat naman ng mga tanggapan ang lahat na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang tahanan at komunidad.

PHOTO COURTESY: CAMARINES NORTE PIO