Daan- daang pasahero sa Mercedes Port namonitor ng Coast Guard ngayong Undas

CAMARINES NORTE- Daan- daang pasahero ang namonitor ng Philippine Coast Guard sa Mercedes Fish port sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Pero batay sa obserbasyon ng ahensiya mas kaunti ito kumpara noong mga nagdaang Undas bago tumama ang pandemya.

Sa impormasyon mula sa Camarines Norte Coast Guard Station, tinatayang nasa mahigit kumulang 500 mga pasahero ang dumaan sa Mercedes port kahapon ng umaga, November 1.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Pero nadagdagan naman ito dakong hapon hanggang gabi kung kailan karaniwang nagtutungo ang mga tao sa sementeryo para bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na yumao.

Sa pagtaya ng Coast Guard hindi bababa sa 800 mga pasahero ang kanilang namonitor sa naturang pantalan mula ala una ng hapon hanggang alas 6 ng gabi.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Kapansin- pansin din na umuuwi agad ang mga ito at hindi na nagpaabot ng magdamag sa sementeryo.

Mananatili namang naka- naka-heightened alert ang Coast Guard para sa Undas 2022 hanggang Nobyembre 4.