Daan-daang celebrities, magbibigay pugay sa mga ‘everyday heroes’ ngayong Kapaskuhan

Magsasama-sama ang daan-daang bituin mula sa iba’t-ibang programa ng ABS-CBN sa isang Christmas Special upang maghatid ng kasiyahan sa mga Pilipino.

Layon ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2021” na magbigay pugay sa mga “everyday heroes” mula sa iba’t-ibang sektor na walang humpay na nagsisilbi sa mga kapwa nila Pilipino.

Sinabi ng ABS-CBN na makakasama rin sa selebrasyon nito na ipalalabas sa December 18 (Sabado), alas-8 ng gabi, ang mga journalists, social media sensations, at pati na rin ang ilang international artists.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Mababasa rin sa pahayag ng network na magsisilbi bilang direktor ng Christmas Special sa ikalawang pagkakataon ang aktor at dancer na si John Prats.

Dagdag ng ABS-CBN, bukod sa star-studded performances, ay ibabahagi rin nila sa kanilang Christmas Special ang ilang inspiring stories at timely message.

Noong 2020, ay nagsilbi ang Christmas Special ng network bilang fund-raising activity para sa mga biktima ng bagyo.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Maari naman mapanood ang Christmas Special sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC.

Samantala, maghahandog rin ang Star Magic ng “Star Magical Christmas: The Star Magic Christmas Special 2021” na magsisilbing pre-show sa ABS-CBN Christmas Special.

Maari naman ito mapanuod ng alas-4 ng hapon sa Sabado sa Youtube Channel ng ABS-CBN Entertainment.