Batangas City- Ibinida ng Department of Agriculture o DA MIMAROPA ang mga naging tagumpay ng kanilang ahensya sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas nitong nakaraang martes sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Ayon kay Christopher Bañas ang DA MIMAROPA Regional Executive Director, tumaas sa 6.25% ang industriya ng agrikultura sa rehiyon at pumapangatlo sa kontribyutor sa pag-unlad ng ekonomiya ng MIMAROPA mula pa noong pandemya.
Binigyang-diin ng departamento na ang pamamahagi nila ng mga hybrid seeds at mga bagong makenarya ay upang matamo ang seguridad at masustansyang pagkain para sa publiko.
Dagdag pa niya, tumaas ang kakayahan ng mga magsasaka na makapagbigay ng dekalidad na produkto sa maikling panahon sa tulong ng mga modernong makinarya at pasilidad.
Samantala, inialay naman ni Bañas ang tagumpay para sa mga mangingisda at magsasaka sa buong rehiyon.