DA, inihahanda na ang mga plano vs food crisis sa bansa

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa napipintong krisis sa pagkain sa bansa.

Ayon kay DA Secretary William Dar, mararanasan ang food crisis sa bansa sa  ikalawang semestre ng taon dulot ng COVID-19 pandemic, nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia at dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dahil dito ay hinahanda na nila ang directional plan na kinabibilangan ng “three stages”.

Ito ay ang rebooting ng agrikultura para sa “recovery and growth, resilient, and sustainable agriculture na nilalaman ng National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization (Plan).

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Giit nito, kailangan lamang na maglaan ng sapat na pondo para sa ahensya para matugunan ng maaga ang napipintong kakulangan sa pagkain.

Sa pamamagitan anya nito ay magkakaroon ng mga programa para mapataas ang produksyon sa iba’t-ibang produktong pang-agrikultura.