DA, binisita ang mga magsisibuyas sa ilang probinsya sa Central Luzon

Binisita ng Department of Agriculture ang mga magsasaka ng sibuyas sa ilang probinsya sa Central Luzon.

Inaalam ng Kagawaran ang kasalukuyang sitwasyon ng mga ito bilang bahagi na rin ng DA Intervention at Monitoring.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ilan sa mga pinuntahan na ay ang mga magsisibuyas sa Bacolor, Arayat at Magalang sa Pampanga habang Moncada naman sa Tarlac.

Ang monitoring team ay binubuo ng mga representante mula Bureau of Plant Industry, Agricultural Credit Policy Council, High Value Crops Development Program Central Office at Regional High Value Crops Development Program ng Gitnang Luzon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

PHOTO: DA Central Luzon