DA, aalamin kung magpapatuloy ang trend sa mataas na presyo ng itlog

Tutukuyon ng Department of Agriculture (DA) kung magpapatuloy pa ang trend ng tumataas na presyo ng itlog sa bansa.

Batay kasi sa price monitoring data mula sa DA, lumalabas na ang itlog ay nasa P7 hanggang P9, na mataas mula sa P6 noong nakaraang taon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA), bumaba ang egg production sa bansa dahil sa mataas na operating expenses para sa mga breeders, bilang resulta ng tumaas na pangingitlog at presyo ng chicken pellet.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dahil dito, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, na iimbestigahan nila ang “layers of traders” kung ito nga ba ang dahilan sa pagtaas sa presyo ng itlog.