Cusi, binawi ang libel case vs ilang news orgs, journos

Binawi ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang libel at cyber-libel cases na kanyang inihain laban sa news organizations at journalists na naglathala ng storya, hinggil sa umano’y kanyang pagkakadawit sa graft complaint hinggil sa Malampaya gas field buyout.

Kaugnay nito, gumawa si Cusi ng affidavit of desistance sa Taguig City’s Prosecutor Office, na nagwi-withdraw sa kanyang mga reklamo laban sa mga reporters, editors, at executives ng Rappler, ABS-CBN, BusinessWorld, Philstar, Manila Bulletin, GMA News Online, at Business Mirror noong nakaraang noong Nov. 29.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Ayon sa Energy secretary, sa kabila na nasaktan siya at nasira ang kanyang pangalan, napag-isip-isip umano niya na ang maraming interaksyon sa mga respondents ay hindi maitatangging nagresulta sa valued friendships at professional relationships.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Dagdag nito, na ang paghahain niya ng kaso ay dulot lang ng hurt feelings mula sa unverified actions o salita. //MHEL PACIA