KORONADAL CITY – SAMPUNG mga restaurants sa bayan ng Surallah ang magpapasiklaban sa pinakaunang Sabor, A Culinary Festival na gaganapin sa June 22, alas-6 ng gabi sa Surallah Gymnasium.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 5th Surbetube – The Ilognayan Festival. Inihayag ni Senior Tourism Operations Officer Maylene Diesto na ang mga kalahok ay gagawa ng sarili nilang recipe gamit at main ingredient na Free Range Native Chicken at 3 sa top 5 major products ng Surallah, ang bigas, mais, saging, niyog at pinya.
Ang mga ito ay magluluto ng isang main dish, dessert at preparatory dish. Inaasahan na sa pamamagitan nito, magkakaroon ang Surallah ng pagkaing maipagmamalaki at maituturing na “Surallah’s Best”.
