NAGA CITY- Naglaan parin ng pondo ang Naga City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga pamilyang maapektuhan ng lockdown KUNG hindi pa tuluyang mawawala ang COVID-19 pandemic.
Ito ang iprenisinta ni CSWDO head Annable Vargas sa Naga City People’s Council at sa publiko sa naging public presentation ng 2023 annual budget, iniisa-isa ni Vargas ang paglalaanan ng pondo at P7M rito ang para sa mga malolockdown na pamilya.
Batid naman ng CSWDO Chief na ang COVID-19 ay parte na ng ordinaryong buhay ng mga Nagueño.
Umaasa ang tanggapan na maaprubahan ito ng Budget Office.
Sa huling datus ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 95% sa mga aktibong kaso ay mild ang sintomas at ang iba naman ay asymptomatic. Enero 2022 nang huling magkaroon ng critical case.