NAGA CITY- Handa na ang Camarines Sur Police Provincial Office para sa siguridad sa ikalawang State of the Nation Address o SONA 2023 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSSG Kim Corporal ng Police Community Relations Office na nakapagpulong na sila para sa mga aktibidad sa Hulyo 24. Inaasahan na ang mga kilos protesta ng progresibong grupo, sana aniya ay maging mapayapa ito.
Mayroon ding mga aktibidad ang CSSPO bilang mensahe sa makakaliwang grupo tulad ng livelihood training, community outreach program at iba pa. Ito aniya ay upang mabatid ng mga ito na bukas ang PNP at ang mga opisina ng pamahalaan para sa kanilang mga pangangailangan.