Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga stakeholders hinggil sa mga messages, emails, at phone calls mula sa mga indibidwal na nagpapakilala bilang mga empleyado ng CSC at nagre-request ng mga sensitibong impormasyon at dokumento.
Ayon kay CSC chairperson Karlo Nograles, may natatanggap silang mga reports na may nagpapanggap umanong mga kawani ng ahensya para makakuha ng mga impormasyon, pera, o pabor mula sa ibang mga tanggapan ng pamahalaan, maging sa publiko.
Kasabay nito, inabisuhan niya ang lahat na maging mapagmatiyag.
Maaari rin aniyang direktang iberepika ang authenticity ng transaction mula sa CSC regional at field offices.
Mababatid na una nang nagpalala ang ahensya sa publiko na walang indibidwal o entity ang binibigyan ng permisong gamitin ang pangalan at logo nito, kabilang na ang lumang CSC emblems, para sa anumang activity o online promotion.