Crypto trading rules, inihain ng SEC

Maglalabas na ng set of guidelines ang Securities and Exchange Commission (SEC) upang i-regulate ang cryptocurrency trading sa bansa.

Ayon kay na SEC Chairperson at CEO Emilio Aquino na ilalabas ito dapat noong nakaraang taon ngunit ito ay nadelay.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Dagdag pa niya na na mas mapoprotektahan ang publiko kung ang cryptocurrency trading ay mareregulate sa Pilipinas.

Inamin din ni Aquino na ang “crypto” o virtual currency ay ginagamit na ng mga Pilipino at layon nila na protektahan ang publiko.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Mayroon ng ilang mga kumpanya na nagbebenta ng mga cryptocurrencies sa bansa, kung saan ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nag-isyu ng mga lisensya ng Virtual Asset Provider Service (VASP) ngunit hinihimok pa rin ng ahensya ang publiko na maging maingat sa pagharap sa mga virtual asset.