Patay ang driver habang sugatan naman ang helper nito matapos mahulog ang sinasakyang crane truck sa isang bangin sa Sitio Upper Sapinit, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon nitong Miyerkules, Enero 31.
Ayon sa police report, sumalpok muna ang nasabing crane truck sa isang puno ng niyog at sa isang bahay kubo sa gilid ng kalsada bago ito tuluyang mahulog sa bangin na humigit-kumulang 8 metro ang lalim.



Napinsala ang bahay kubo at dalawang puno ng niyog habang bumaliktad naman ang nasabing sasakyan kung saan na-stuck ang driver sa loob.
Samantala, nagtulong-tulong naman ang mga awtoridad upang marekober ang drayber at isinugod ito sa hospital kasama ang kanyang helper subalit idineklara rin itong dead on arrival.
Kaugnay nito, nagkaroon umano ng mechanical error ang sasakyan at nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber.
Sa ngayon, nagpapagaling ang helper ng truck habang isinara na ang nasabing kaso matapos masawi ng nasabing drayber.