NAGA CITY- Umabot na sa 12, 617 ang cumulative COVID-cases sa Camarines Sur matapos na madagdagan ng 76 kahapon base sa tala ng Department of Health Bicol.
Mas mababa ang naitala kahapon kumpara sa 97 nitong Martes at 147 cases noong Lunes. Mahigit 11,000 na ang nakarecover.
Hinamon ni DOH Provincial Officer Dr. Rey Millena ang mga halal sa opisyal simula sa Barangay na manguna sa pagsunod sa minimum health standards at manguna sa pagpapabakuna.
Paano aniya mahihikayat ang mga residente kung wala silang nakikitang lider. Dito aniya makikita kung mahina ang diskarte ng opisyal.
Samantala, pinasalamatan ni Governor Migz Villafuerte ang lahat ng frontliners lalo pa ang mga health workers at volunteers na patuloy sa trabaho. Panawagan din nito ang pagtutulungan.