COVID booster shots, maaring matalakay, kapag…

Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagturok ng booster shots ng COVID-19 vaccines ay maaring matalakay, matapos mabakunahan ng bansa ang 50% ng target population at kung ang supplies ay stable na.

Ayon kay Vergeire, para sa booster shots, tinutukoy ng mga eksperto ang kaparehong bakuna na kasalukuyang ginagamit.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Dagdag ng opisyal, bagama’t mayroong second-generation vaccines na maaring bilhin, pero ito umano ay patuloy na sumasailalim sa clinical trial.

Una nang sinabi ng DOH na ang pag-gamit ng COVID-19 booster shot ay hindi pa inirerekomenda ng mga eksperto, sa kabila ng pagkakasama nito sa panukalang pondo para sa 2022.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Samantala, posible nang matapos ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology ang desisyon para sa administration ng COVID-19 vaccine booster shots sa susunod na linggo. // MHEL PACIA-TRINIDAD