COVID-19 world update

Pumalo na sa 3,500,321 ang bilang ng mga tao na nasawi sa COVID-19 sa buong mundo mula nang magkaroon ng outbreak sa China noong December 2019.

Base ito sa tally ng Agence France-Presse na kanilang inipon mula sa iba’t-ibang official sources.

Makikita rin sa tala na sumampa na sa mahigit 168.3-million ang bilang ng mga kaso na nairehistro sa buong mundo.

Sinabi rin ng AFP na noong Miyerkules ay naitala ang 13,028 na bagong nasawi at 551,995 na bagong kaso sa buong mundo.

Makikita sa huling mga ulat na ang India pa rin ang nagtala ng pinakamaraming bagong nasawi matapos nitong umabot sa 3,847.

Sumunod naman ang Brazil na may 2,398 na bagong fatalities at Estados Unidos na may 1,016 deaths.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *