COVID-19 surge, posible sa U.S. dahil sa Delta variant – Eksperto

Inihayag ng ilang mga eksperto na posibleng magkaroon muli ng covid-19 surge sa Estados Unidos ngayong taon dahil sa Delta variant ng COVID-19.  

Ayon kay Justin Lessler, isang epidemiologist ng Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health sa Amerika, kung hindi mapagtutuunan ng pansin ang nasabing variant, maaaring mabilis itong kumalat sa bansa.

Ayon naman kay Dr. Peter Hotez, dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine, ang Delta variant na ang pinaka-transmissible o pinakamabilis makahawa na variant ng covid-19.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Dr. Hotez na pwedeng maranasan ng Amerika ang nangyari sa United Kingdom kung saan mabilis na kumalat ang naturang virus strain.

Sa iba pang pag-aaral, napag-alaman din mas marami ang nao-ospital dahil sa Delta variant ngunit wala pa namang datos na mas nakamamatay ito.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, para naman kay Dr. Anthony S. Fauci, leading infectious disease expert ng US, itinuturing nito na pinakamalaking threat ang Delta variant sa pag-eliminate nila ng virus sa Amerika.

Naniniwala naman si William Lee ng Helix na kinakailangang mas marami pa ang mabakunahan sa US upang maging protektado laban sa anumang variant ng covid-19.